Debt Free
Wow sa wakas nabayaran ko rin mga utang ko sa mga bwisit na credit card. Sa bagay di naman nila yun kasalanan kasi ako ang gumagamit ng credit card. Kaya ang dapat sisihin eh yung bank parin hahaha…Bakit ko naman sisisihin ang sarili ko? Ako na nga ang naghirap eh…hehehe…Anyway atleast ngayon bayad ko na sila lahat.Pati yung motor ko nabayaran ko na rin.Thank you sa dati kong boss binigyan nya ako ng pambayad.
Kaya ngayon medyo nararamdaman ko na ang sweldo ko. Kahit marami parin gastos atleast nakikita ko pinagkakagastusan ko. Napaayos ko na ang bubong namin na kita ko na ang langit dahil sa dami ng butas.Yung harap ng bahay namin na parang gubat napasimento ko na. Tsaka araw araw na kami may ulam. Sarap ng pakiramdam na nakakacontribute ako dito sa bahay bukod pa sa binibigay ko kay mama na panggastos.
Kaya pagbubutihan ko pa trabaho ko dito sa trabaho ko ngayon para lalo ko maramdaman ang mga pinaghihirapan ko. Di na ako gagamit ng credit card hanggang kaya pa. Iwas muna sa di kailangang gastos. Focus muna sa work, sa pamilya at sa lovelife dahil para sa kanila naman lahat ng pinaghihirapan ko eh. Pagnakatapos ang dalawa kong kapatid sa college(4th yr na next year), magpaplano na kami ni venus magpakasal.
As for now todo kayod muna. At sana makaipon ako para sa mga future plans ko.
Hanngang dito muna siguro. See you next time readers.
i’m willing to wait bhe bhe ko…
Comment by shine — January 25, 2008 @ 5:52 pm
kayang kaya mo yan.. how about yong plan nyo ni venus
together remember we’re not getting any younger… tagal pa ata ng 2 or 3 years…
Comment by irene may — January 26, 2008 @ 7:12 pm
Hi as i was going through ur blog i found some interesting section..any how i wud like to
get ur hand as my link partner…i have sites related to finance only, which will help u a
lot and me to, I can provide u good content..I like ur blog..if ur interested than plz mail
me…at shellybrown1984(at)gmail.com
regards Shelly.
Comment by shelly — August 12, 2008 @ 6:16 pm